Wednesday, September 17, 2014

Why I don't Organize Climbs

The First Lagataw Invitational  Climb

Sa tinagal ko sa larangan ng outdoor activities, I seldom organize events. And when I do, it is in small numbers. And many have asked why I always wanna go solo or minimalistic. So here’s the story!


First, I am the unpleasant juxtaposition of three personalities—tyrannical, uncompromising and hot-headed.  
Isa akong dictator pagdating sa travel. I want everything done my way. Kung may naglilider-lideran sa group na inorganize ko, nakowh  ewan ko na lang. Pero minsan lang naman nangyari ang ganito, kasi pinipili ko talaga muna ang mga sasama sa akin. When I organize an event, I make sure that I am the most informed and knowledgeable about the destination and the activity as a whole. Kaya ayoko ng didiktahan ang itinerary ko. Kung gusto mong magpa-picture muna sa Mines View Park kasama ang irog mo bago bumalik ng Manila, di kita pipigilan pero labas ka na sa itinerary at responsibility ko.  Kung late ka sa assembly time, pasensya na lang. Just hope na may part two ang event na ito. I am only concerned with my own welfare. Nasanay ako sa kultura ng mga Hapon—walang basagan ng trip. Kung gusto kong umalis na, habol na lang ang mga late. Kung gusto kong matulog muna tas gusto niyo nang mag-inuman, pasensya na at di niyo talaga ako mapipilit. And I have mild OCD. This is the reason why my cook set and stove lasted almost ten years. Kung huhugasan mo ng seawater ang aluminum pot ko, tumabi ka, at ako na niyan!

Secondly, I don’t wanna make money out of the recreation I love! And I’m not saying there is anything bad or wrong in making a living out of your recreation. It is a personal preference. And I am telling you now that my reason for this is very selfish! Kung pagkakakitaan ko ang aking skills, madidisappoint at maiinsulto lang ako pag 3k lang ang kikitain ko in an event that was enjoyed by 15 carefree guests who did nothing but take pictures and complain! Sobrang laki ng market value ng stress at pawis ko! At dahil hindi ito hanapbuhay itatak mo sa isipan mo na hindi ka guest! Ulit, HINDI KA GUEST! Wag kang pasaway! Pag sinabi kong may training climb, wag kang aabsent. Pag sinabi kong bumili ng hiking shoes, huwag kang umasang may extra shoes ako para sayo pag nadulas dulas ka sa maputik na akyatan! Dun ka sa $$$$$$$$$$$$$$ (hirap magbanggit ng travel agency), pampered ka dun! Kung wala kang pambili ng reliable gear at inilaan mo sa iPhone 6 ang sahod mo, ipagpaliban mo na muna ang climbing…sa beach ka na muna!  Kung iniisip mong makakalusot ang style mong ‘Tol nakalimutan ko wallet ko, pede palibre muna ng pamasahe’ mag-isip-isip ka muna. Madami sa mountaineering yang mga ganyan. Bato-bato sa langit, ang tamaan wag nang magbasa sa mga susunod na talata ng kwentong ito! Simple lang naman ang katotohanan sa buhay—KUNG WALA KANG PERA, WAG KANG MAGBISYO! Parang yung sinasabi lang yan ng kaibigan kong si Doc Rheys. Kung iniisip mong mahal magpatreat sa lisensyadong expert, dun ka sa amateur magpa-therapy and find out in the end whether it was worth it! Ang walang pera lang na may karapatan magbisyo ay yung may nai-aambag in kind. Yung tipong siya ang magluluto or siya ang sasabay tumalon sa 30-foot cliff para matanggal ang takot ng guest. Kung wala kang ibang skills kundi ang puna-puna skills lang, aba’y ipon-ipon muna habang may time para di ka pabigat!

Hindi madali ang mag-organize! Talagang hindi madali ang mag-organize! At lalong hindi madali ang mag-organize! Sana’y sapat na ang tatlong ulit. Minsan natatawa na lang ako sa awa ko sa mga kaibigan kong organizers. Kakapiranggot na nga lang ang kinikita, pinuputakte pa ng issue sa Facebook! Payo na lang sa aking mga katoto. Magpalit kayo ng target market! HUWAG ANG MOUNTAINEERS! Dahil alam naman natin yan, karamihan sa mga climbers sa Pinas LIKAS NA KURIPOT! Kaya kawawa ang mga nagbebenta ng gear at nag-oorganize ng events! Bagsak presyo lagi ang peg! Gayahin niyo ang $$$$$$$$$$$$$$$, mga corporate executives ang target market. Yung tipong apat na jeepney ang pinupuno pag nagpu-Pulag. Tas ang lulan ng jeep panay mga naka-Dickies na backpack at nakamaong at glasses! Sila ang mga tipong pag nakakita ng picture ng sea of clouds ay magsasabing ‘Uy friend punta tayo dito’ tas wala nang karugtong na ‘Magkano kaya?’. Sabihan mong 5K all-in, mura pa para sa kanila. Sila yung tipong 15k ang budget pag mag-Boracay. Di naman kasi nila alam ang standard do-it-yourself rate kasi di naman sila kasali sa mga FB groups ng climbers. Tas under the radar ka pa! Walang mga post-event fiesta ng mga sawsawero’t sawsawera! At dahil first time makakita ng sea of clouds, ayun wagas ang galak sa Pulag,  tas referred ka kaagad sa mga kaibigan nila.

But my prime honest reason why I don’t organize big events is that I am only human! Nagkakamali din ako. The last thing I would want in an event where I can make a mistake is someone with whom criticism comes with higher priority than fun. I still have respect for myself. I don’t wanna subject myself to a trial participated in by anonymous know-it-all’s online. A very good candidate for an issue-infested event that I organized is my Bakun Trio no wheels edition. I had not anticipated that the stream by the campsite would have already dried up. Kaya ayun nagcamp kami overnight sa tabi ng mala-Blair Witch Project na kubo nang walang sinaing at tubig! Kung walang impact ang last statement na yun, dadagdagan ko ng ‘sobrang pagod at uhaw kami pagkatapos ng malupit na isang araw na traverse sa Mt Kabunian’ at wala kaming mainom na tubig. Pano na lang kaya kung ang mga kasama ko ay hindi kasing lupit nila Dennis, Andy at Christian na mas madaling nakakahanap ng fun kaysa sakit ng katawan? Pano na lang kaya kung ang mga kasama ko ay labinlimang whiners? Naging sutokil na siguro ako nun sa Facebook pagkatapos ng event.  Take time to watch the video below.

The Second Lagataw Invitational Climb na hindi na nasundan ng third

At naisulat ko to dahil sa mukhang na-isyu ang mga kaibigan kong nag-organize ng holistic BMC at P300 per participant. Kaya mungkahi lang sa mga kaibigan kong yun. Change target market! Wag na sa LUCP ibigay yan, kasi nakakalibre naman na sila ng konting BMC sa mga balitaktakan sa group page. Karamihan sa kanila ay hindi naman yung mga pasaway sa bundok. Sige palakpakan ang sarili mga LUCPians. Walang biro yan! Dun na lang sa mga naka-maong at Dickies ang BMC na yan tas gawing P600 per participant. Sa tingin ko, sila ang mas nangangailangan ng ganyang information at training. Killing three birds with one stone kung baga—labas ka sa isyu, di ka pa abonado, and you minimize the probable impact of the uninformed visitors sa kabundukan! Just my two cents! 

12 comments:

  1. kala ko ako tuloy nagsusulat loljk

    ReplyDelete
  2. Sir pag meron akong akyat na personal, pili lang ang iniinvite ko na alam ko na hindi magiging pabigat sa akin (dahil sarili ko pa lang problema ko na). Madalas ako lang at guide o kaya naman 2-3 lang kasama ko.

    ReplyDelete
  3. I dont think this is Japanese culture ( i have lived there for a while). More of Nazi-German.

    ReplyDelete
  4. i agree to all the points you mentioned. but here's the thing, the only better thing about the things you love doing is to share it with others and do it with them. i agree that organizing could be daunting but if you hone your organizing skills (e.g. set correct expectations, discipline your tyrant alter ego), many people will discover beautiful things through you - that would be your lasting joy. challenge yourself.

    ReplyDelete
  5. haha ako pa pala ang kumuha ng video na to. hahaha

    ReplyDelete
  6. Very well said. Kudos!

    ReplyDelete
  7. Ganda nung background music. Sakto! ALONE! <3

    Spot-on! Unang rule. Bawal maarte sa bundok.

    -TIARA

    ReplyDelete
  8. That's true. Mahirap mag-organize ng climbs tapos sa FB andami pang galit sa mga nagpapackaged events or pag nagmahal ng konti, grabe criticism kesyo tubong-lugaw. Pero usually mga small-time organizers lang naman ito. Yung mga malalaki ang patong e established groups na, dun wala namang tumitira.

    ReplyDelete
  9. I see a lot of negative traits here- dictator, perfectionist, impatient, self righteous, boastful hehe.. yup youre not built for social interaction. It is also for the best that people don't join you on your climbs...

    ReplyDelete
  10. I agree with you, Sir Adonis! That's why we rarely organize climbs. And if we do, we limit our invitations to people whom we know are capable of such an endeavor.

    ReplyDelete

YOU deserve a holiday!

Booking.com
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...