Wednesday, April 20, 2011

KAILANGAN MO BANG MAG-BMC (Part 2)

sa Dila-kado ng Mt Maculot
Ipagpaumanhin po ninyo at natagalan bago ko nadugtungan ang serye ng mga paalala para sa mga nagbabalak pa lang umakyat. Medyo naging abala ang inyong lingkod sa iba pang mga bagay na may kinalaman din sa pamumundok.
At itutuloy ko na ang pagtalakay sa BMC. Naiparating na sa inyo ang kasagutan ng isang anghel—isang puristang mamumundok—sa katanungang ‘Kelangan mo bang mag-BMC?’ Heto’t pakinggan ninyo ang sagot ng isang tila suwail na mamumundok.

Kelangan mo bang mag-BMC? Simple lang ang sagot ko diyan…at ilalahad ko ito sa apat na puntos:
Unang Punto
Ano ba ang nauna, ang BMC o ang mountaineer? Palalawigin ko pa ang katanungan…Ano ang nauna ang BMC o ang responsableng mountaineer? Para sa kaalaman po ng lahat, ang Mt Guiting-guiting na isa sa pinakamahihirap akyatin na bundok sa Pilipinas ay naakyat sa kauna-unahang pagkakataon nila Ginoong Edwin Gatia nang walang BMC. Ang tuktok ng Mt Apo ay unang naapakan mahigit isangdaan taon muna bago pa man ipanganak ang BMC. Samakatwid, hindi dahil wala kang BMC ay hindi ka na makakaakyat ng bundok! Ang totoo niyan, mahigit nubenta porsyento ng mga kabundukang inaakyat ng mga mountaineers sa Pilipinas ay unang naakyat bago pa man naisipan ng isang tao na balangkasin ang BMC.

Pangalawang Punto
Walang masama sa BMC. Sa katunayan, mas maigi kung may BMC ka bago ka pa man umakyat ng bundok. Pero para sa akin, nagsisimula ang BMC sa tahanan. Kung baboy ka sa bahay ninyo, kahit sampung ulit kang balibaligtarin ng BMC, walang magbabago sa’yo! Ang malinis na tao, sa lungsod man o sa kabundukan ilagay, malinis pa rin kasi sadyang ayaw niya sa dumi! At hindi niya kailangan ng BMC para maging malinis! Walang kwenta ang pagyayabang mo na inaalagaan mo ang kabundukan kung durara ka sa EDSA! At ipagyayabang mo sa akin ang bulsa mong puno ng upos ng sigarilyo dahil sa pagsunod mo sa isang alituntunin ng BMC na huwag magkalat? Babaliktarin ko ang bulsa ko, wala kang makikitang upos kasi hindi ako nagyoyosi!

Pangatlong Punto
Nagsilipana sa kapatagan ang mga mountaineers na akala’y diyos na sila at nakapag-BMC na sila. Ibinabandera ang isang kapirasong certificate para ikubli ang tunay na katauhan at para maturingan ng lahat na responsible sya at isa siyang ‘ganap na mountaineer’! Wala kang kwentang mountaineer kung gagamitin mo lang ang pagtatapos mo sa kursong BMC sa pagyayabang. Hindi porket nakapag-BMC ka na ay may karapatan ka nang sigawan ang isang taong nagto-toothbrush sa ilog at ipahiya sa ibang tao. Bago tayo naging mountaineer, naging tao muna tayo. Ang tao, nagkakamali at marunong umunawa. Wala kang kwentang tao kung hindi ka marunong umunawa. Di bale nang hindi maging mountaineer basta tao pa rin. Balik ka sa grade one at tapusin mo muna ang kursong GMRC bago ka mag-BMC.

Pang-apat na Punto
Kung tuluyang kilalaning opisyal na pamantayan at patakaran ang BMC sa pamumundok, pagkakakitaan lang ito ng ibang mga indibidwal. Di magatatagal at gagawing compulsory ang pagdaan sa training (na may kaulukang matrikula) bago payagang umakyat sa bundok! Huwag nating hayaang mangyari ito!

Ano uli ang tanong? Kailangan mo bang mag-BMC? HINDI kung gagamitin mo lang ito sa pagyayabang. HINDI kung hindi mo ito kayang dalhin sa kapatagan at kalungsuran. At HINDI kung gagawin mo lang itong hanap-buhay!

Sa susunod na post po ay ang hatol ni Lagataw.

18 comments:

  1. WHoaH!! NIceone ser Adonis!! double thumbs up!! i agree with you ser...thanks!!

    ReplyDelete
  2. May tama ka ser sa puntong ito. At nagmimistulang Business Mountaineering Course na ang BMC sa Pinas. Sana maipamahagi ang tunay na BMC ng libre sa bawat mamumundok.

    ReplyDelete
  3. oo nga naman sir. bmc for 1.5k? grabe naman. 3/4 nun nasa internet. at mas magandang matuto sa sariling pagkakamali (gaya ng wag aakyat ng naka tsinelas lang sa pulag).

    ReplyDelete
  4. @Krystin: yep...and 100% of what we NEED to know of it ay nasa internet din.

    ReplyDelete
  5. sir now ko lang naexplore itong website and im impressed,part 3 po ng bmc thanks,;

    ReplyDelete
  6. Ang aking munting kontribusyon tungkol sa BMC bagamat ako’y hindi maituturing na isang mamumundok. Sa aking pag kakaintindi hindi naman masama ang BMC sa mga taong gustong umakyat ng bundok.

    Una:
    Ang BMC ay mahihintulad sa isang batang papasok sa narseri (nursery). Bagamat sa bahay mag sisimula ang edukasyon. (ang pag aaral ng ABAKADA, pag susulat o pag guhit)) Sa paaralan parin mahuhubog ang kakayahan ng isang mag aaral. Dito mag sisimula ang pormal na edukasyon. Ang BMC ay siyang magmumulat sa isang indibidual upang maintindihan maigi kung ano talaga ang responsabilidad ng isang mamumundok o mountaineer. Halimbawa; kung ikay isang mangingisda hindi naman maari kang pumalaot kung hindi ka marunong magsagwan (maliban kung ikaw ay nasa bangkang de motor) pero bago ka maging mangingisda ay kailangan mo munang matutong mag sagwan. Iba paring maituturing kung meron kang ideyang panimula o sabihin na nating BASIC sa wikang engles. “tuturuan naman ako ng kasamahan ko tungkol sa bundok eh! Ok lng kahit walng BMC”. O cge sabihin na natin na marunong kang mag maneho ng sasakyan kasi tinuruan ka ng kabitbahay mo PERO hindi ka kumuha ng pormal na “driving Lesson” sa lesensyadong institusyon. Nakakasiguro ka ba na ung nagturo sayo ay alam ang gagawin pag nakakita sya sa kalsada ng YIELD sign?

    Pangalawa:
    OO pwede namng umakyat ng wlang BMC. Bakit? Lahat namn ay may karapatang umakyat ng bundok. Eh, ano ngaun kung hindi ako marunong magtayo ng tent “jan namn ung iba” eh ano kung magkalat ako “jan nmn ung isa para pumulot” OO pwede ngang umakyat pero umaakyat ka bilang isang may KARAPATAN at hindi bilang isang mountaineer.

    Pangatlo:
    Hindi nmn nasusunod yang BMC eh! Maihahanlintulad yan sa isang DRIVER na may Formal lesson sa pag mamaneho, kahit red light na ay tutuloy parin.HAHAMUNIN ko lahat ng nakakabasa nito na may BMC CERT. kung talagang sinusunod nio ang BMC. ukol sa aking nabasa tungkol sa BMC ay respetuhin ang ibang umaakyat wag sumigaw o gumawa ng nakaka istorbong ingay igalang ang kalikasan, hindi dapat overloaded ang bag (pero ung iba may dalang aparador) "pasikat"?leave nothing but footprints (sa maculot daming bote ng alak) ako’y itama kung ako’y mali.

    Panghuli:
    Sang ayon ako sa may akda ng pahina nato na ang BMC ay magsisimula sa indibidual. Ang responsabilidad ay magmumula sa tahanan. At ang pamumudok ay dapat magmumula sa PUSO.

    Ipag paumanhin kung ako ay may nabanggit na mali. Sapagkat ako ay nag sisimula pa lang umintindi.

    ReplyDelete
  7. Sorry i forgot to put my name to my comment (nevermind)

    -waters-

    ReplyDelete
  8. @waters
    dahil sa input mong yan hindi na ako mahihirapan ituloy ang part 3.hehe
    at sana patuloy mong ilabas ang iyong mga saloobin at mungkahi patungkol sa pamumundok. sa ganitong paraan, madaling matutugunan ang mga ito at malalaman ng iba ang kanilang mga pagkukulang at pagmamalabis!
    I publish hostile, unfriendly and bold remarks. Basta galing sa puso at pawang opinyon at pananaw lamang na walang halong layunin na pamumulitika at paninirang-puri!

    ReplyDelete
  9. Ang alam ko po may grupong nagtuturo ng libreng bmc, basic ropemanship course at rope rescue ito po ang SRMP ( samahan ng mga responsableng mamumundok sa pilipinas) sana po ay dumami ang mga katulad nila na tunay ang pagmamalasakit sa kapwa at sa kalikasan :)

    ReplyDelete
  10. @waters - to all your point. there is a yes! but in some other cases like mine, i didnt take BMC cause

    1. I learned many of the basic survival from my uncles and aunts back at our province in Nueva Ecija. I learned how to cook, pitch a very very DIY tent using Tarp and branches. I learned how to create emergency fire using nother but mother nature. I learned how to create a hammock with sacks and vines. etc. etc. etc

    2. I learned the basics of climbing through experiencing climbing high cliffs in my hometown. I learned through my mistakes and if I fall, i would fall into a river. It may not be deadly but it still hurt. BUT I learned.

    3. My mom is a doctor, no other BMC can beat that as I learned my first aiding through her.

    4. Like Adonis said - I keep my values up until im in the city. i may look insane when I pick trash out of nowhere but atleast im spreading awareness through this "virtual" insanity".

    you are right. its okay to have a BMC BUT no one can ever say that having a BMC is a better option than the one I had or the one others had. That's why i think its wrong to say BMC is always Better.

    It still depends on every person. My point is respect. If we learned things through this then fine! If he doesnt want to take BMC might as well pitch his tent and lecture him. If he doesnt want to listen then make him learn. Dont pitch his tent. let him do the learning by himself.

    Respect is the main point of the article I think.. Respecting others who had BMC and respecting others who had a different way of learning.

    pasensya late na ata ako. hehe

    ReplyDelete
  11. Wow. Funny and informative post sir. :D Di pa ako nakapag-BMC. As a newbie, ang ginagawa ko sa tuwing may hike, nagtatanong lang ako ng Do's and Dont's, whats needed and what to expect from experienced mountaineers and I could find a lot of good reads from the Internet. Plus, and dami ring matutunan from your own trek experience e. So kelangan ko ba mag-BMC? Hinde, but I might consider in the future siguro for formality na lang.

    ReplyDelete
  12. Love the Pangatlong Punto part.this is really helpful Sir! :D

    ReplyDelete
  13. Love the "Pangatlong Punto".This is really helpful Sir for a total newbie like me.Big thanks :D

    ReplyDelete
  14. Sir, inaabangan namin 'yung Part 3 nito :D

    ReplyDelete
  15. Nakakatuwa yung mga posts ni sir adonis pero lahat ng sinasabi niya ay may sense... sana mai-release na yung third part!! ang lupet ng website mo, more power po!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks for visiting...mejo naubusan nga lang ako ng mga kwento kaya mejo walang new posts

      Delete

YOU deserve a holiday!

Booking.com
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...