Pages

Wednesday, March 30, 2011

BMC (Overview)


Pasensya na at nawala si Lagataw sa ere nang apat na araw! Pero salamat sa mga sumubaybay. Bago mag tatlong buwang gulang ang page na ito, lumampas na sa anim na libo ang page views at labindalawa na ang mga followers! Bayaan niyo, ang first twenty followers na nasa Pilipinas ay gagantimpalaan ni Lagataw ng isang espesyal na likha niya sa oras na makapasok ang lagataw.com sa top 50 ng kategorya nito sa topblogs.com. Kayo ang nagiging inspirasyon ni Lagataw na maglathala ng mga makabuluhang artikulo sa pamumundok!

Bago tayo magpatuloy, hayaan niyong haranahin muna kayo ni Cynthia Alexander sa kanyang awiting 'Owner of the Sky'. Ang kantang ito ang himig sa likod ng aking pagpanhik-panaog sa kabundukan!


At itutuloy na natin ang usapin tungkol sa BMC. Ipinangako ko sa inyo na tutulungan ko kayong sagutin ang katanungang Kailangan mo bang mag-BMC?. Subalit, bibitinin ko muna kayo pansamantala para ilahad at ipakilala sa inyo ang BMC…Tatalakayin ko sa lathalaing ito ang buod ng kurso!
Ano nga ba ang BMC? Mahirap sagutin at mahabang paliwanagan yan mga parekoy! Pero kung ako ang tatanungin, isang linya lang ang aking sasambitin!
Ang BMC ay ISANG KOLEKSIYON ng mga ALITUNTUNIN na GUMAGABAY sa isang MOUNTAINEER sa Pilipinas upang WALANG MAGBAGO sa pisikal na aspeto ng SARILI niya, ng BUNDOK at ng mga NILALANG na madadatnan at makakasama niya sa kabundukan pagkatapos ng kanyang paglalakbay!

Napakasimple kung tutuusin ngunit hindi madaling sundin! Kaya naman karamihan sa mga bersyon ng BMC ay hinati-hati sa tatlong bahagi upang mas madali itong maipaliwanag ayon sa mga layunin nito! Ang part one ay nakatuon sa kung papano aakyat ang isang mountaineer! Nandiyan ang proper backpacking, planning at climb proper. Layunin ng part one na maging Smooth and Comfortable ang iyong paglalakbay! Ang part two naman ay nakafocus sa Camp Management. Sinasaklaw ng part two ang pagiging responsableng manlalakbay! Tinatalakay sa kursong ito ang mga bagay-bagay na kailangang malaman kapag ikaw ay nasa camp site na…simula sa pagpili ng paglalatagan ng tent at mga basic knots hanggang sa pagtugon sa tawag ng kalikasan! Ang part three naman ay nakasentro sa Contingency Planning. Ang kalakhang bahagi ng part three ay tungkol sa Land Navigation. Kasama dito ang Map at Compass reading pati na rin ang GPS.
Marahil sa ngayon may ideya ka na kung ano ang papel na ginagampanan ng BMC sa isang mountaineer. Ngunit maaring hindi pa ito sapat para masagot ang katanungang “Kailangan mo bang mag-BMC?” Sa susunod na post, sasagutin ko na talaga. Pramis!

7 comments:

  1. waaaa.. ang nasa pilipinas lang ser?

    ReplyDelete
  2. ser walli pag umuwi ka, bigay ko sayo!hehe

    ReplyDelete
  3. sir may alam ba kayo na BMC balak ng aming masasabibg malalayang grupo ng umaakyat na makasama sana...salamat -mark 0f kaduceus

    ReplyDelete
  4. @mark...may nakapost sa Conquer Pioneer Ropewrks ata host. hanapin mo si jonnel ong lacaba sa facebook...hindi ko kasi pede ibigay dito ang number niya...kayo pala ang kaduceus...nagkasabay ata tayo sa Pulag nung March...ako yung mag-isa na nadatnan niyo sa Eddet River...thanks for visiting my site...

    ReplyDelete
  5. hello sir! sobrang nainspire ako sa video niyo! kaso hinahanap ko yung link sa youtube, parang wala ata? gustong-gusto ko po kasi ishare sana...

    ReplyDelete
    Replies
    1. pasensya na po. walang youtube link yan.hehe

      Delete
  6. bukas po kami aakyat ng bundok at bilang first timer po ang laki po ng tulong nito. Salamat po sa pag share at sana sa mga darating na araw ay makasabay ko po ang group nyo sa pag akyat.

    ReplyDelete