Thursday, March 24, 2011

BMC (Introduction 1)



So gusto mong umakyat?…Tanong!…Nag-BMC ka na ba? Hindi pa ba? OK!  Yan ang pag-uusapan natin ngayon. Ang BMC o Basic Mountaineering Course. Ito ang una mong dapat matutunan bago ka sumabak sa pamumundok. Mamaya na ang apparel, tsaka gadgets, tsaka IT. BMC muna tayo.

Ang katagang BMC ay karaniwang maririnig sa mga linyang…Nag-BMC ka na ba? Hindi ka kasi nag-BMCParang di ka nag-BMC a! o di kaya'y Malamang di nag-BMC yan!
Samakatwid hindi maipagkakailang plus-factor ata ang BMC sa isang bundukero! Pogi-points kumbaga! Subalit, ano nga ba ang BMC?…Bago ko sagutin ‘yan…commercial muna tayo!
Ito ang Nong Shim SHIN RAMYUN...isang Korean ramen. Madalas ko itong binabaon sa mga climbs na lumalapit sa freezing point ang temperatura! Sa sobrang anghang nito, swak na swak sa Pulag at sa sangka-Benguetan! Mabibili ito sa pinakamalapit na supermarket sa inyo! Wala pa niyan si Aling Iska! Punta kayo ng SM, madami niyan dun!
Mabalik tayo…Ano nga ba ang BMC? Pano ba ito nagsimula? Sa pagkakaalam ko, ang BMC ay unang binalangkas ng UP Mountaineers noong early 80’s. Hinango nila ito sa mga libro sa mountaineering lalo na yung kay Alan Blackshaw at sa sarili nilang karanasan sa mga tropikal na kabundukan sa Pilipians. Kinalaunan, inampon na ng MFPI ang konsepto at sinimulan nang iparating sa mga miyembrong oraganisasyon ng Fed! Habang ang UP Mountaineers ay, gumagawa ng sarili nilang paghahasa sa BMC, ang ibang organisasyon na nabahagian ng kaalamang ito ay nagkanya-kanya din sa kanilang pag-rerebisa sa kurso! Samakatwid, sa ngayon iba iba ang bersyon ng BMC. At walang masama dun! Karapatan ng bawat organisasyon yun!…Gaya ng pagkabalangkas ng UPM sa kurso, ibinatay din nila sa kani-kanilang pansariling kaalaman at karanasan ang mga idinagdag at binawas nila sa orihinal na bersyon ng kurso. Bakit? UPM lang ba ang pwede magsaliksik at matuto? Bukod pa diyan, gaya ng nabanggit ko na, nagbabago ang BMC sa pagdaan ng panahon. Ang teknolohiya ay hindi mo mapipigilan. Kung sa dekada setenta, ang main priority ay durability, ang Columbia ay mas nakatutok ngayon sa lightness at comfort ng kanilang mga produkto. At kung dati simpleng lubid lang para sa kalabaw pwede nang pang-akyat ng boulders, ngayon meron na tayong tinatawag na dynamic at static ropes at kung anu-ano pa diyan. Nagbabago ang BMC, at hindi ibig sabihin na ang mga ginagawa mong makaluma ay labag na sa BMC. Bakit, pag umakyat kaba sa monolith ng Pico de Loro sasabihin mong, Uy…wag kayo aakyat diyan…hindi prescribed ng BMC ang lubid na nakatali diyan sa batong yan! Ewan ko lang kung may making sa yo!

So Tanong uli?...Nag BMC ka na ba? Kung hindi pa…eto yung pangalawa kong tanong…Sa tingin mo kailangan mo bang mag-BMC? Tutulungan kitang sagutin yan sa susunod kong post…Malapit na mag alas-dos …matutulog muna ako!

13 comments:

  1. natawa ako sa last part... ayos!!! marion...

    ReplyDelete
  2. like ko tong topic na to,hahaha,dito malaman kung ang isang namu2ndok ay mhilig lng makinig sa nari2nig nya sa iba o nkai2uso o tlgng bihasa at nsa dugo ang paki2pag sapalaran sa kabundukan...BMC,my kilala kong bukambigbig yan pero haaay!ewan ko nlng,ikw na mag judge sir,kilala mo rin nmn un eh,hahaha

    ReplyDelete
  3. anu kya ang susunod na mangyayari.....? abangan

    ReplyDelete
  4. abangan ko yan chief!!!

    ReplyDelete
  5. ako sir wala pang BMC. hehe

    ReplyDelete
  6. pasenxa na...di muna ako makakapagpost...in two hours lalarga na ako ng baguio! baka martes pa ako makapagpost uli! good luck sa akin! hanggang sa muli! salamat sa suporta!

    ReplyDelete
  7. Ang pinaka gusto ko na part ay Mag commercial muna tayo.hehehe.

    Astig talaga.. Sir Adonis at its finest..!!!

    ReplyDelete
  8. sir my friend ako nagPM saken nawiwili n din daw za mamundok.. eh wala zang proper BMC kya binigay q yun link ng "TRIP TIPS" mo...

    sabi kung wala b daw libro yun lagataw!...haha
    mastrip daw kasi nya magbasa ng libro...haha

    more power sir!!!

    ReplyDelete
  9. hahaha...ayus...madami ng available sources sa net. ok na yung basahin, may matututunan din dun. Pero mas ok kung practical ang approach...

    ReplyDelete
  10. love reading your blogs, and sana maka-experience na rin ako ng trekking/hiking.

    ReplyDelete
  11. ganda ng turo d2 maramikang ma22lungan sir at ako na akyat din pro wala ako BMC ngun malalaman ko na d2..maraming salamat sir

    ReplyDelete
  12. salamat sir dami ko na tutuhan dito...

    ReplyDelete

YOU deserve a holiday!

Booking.com
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...